Wednesday, November 26, 2008

Ma-leak ka

Kasama si boss sa isang pagpupulong ng mga na ex-com ng ahensiya nung a-10. Lunes yun. Bago pa man dumating ang tanghali ng huwebes, maraming taga-ahensiya ang nakatanggap ng mga text message tulad nito:

"Is it true that (ang ahensiya) released yesterday the list of people to be retrenched? What happened?"

"True ba that 25% of (ang ahensiya) workforce will be laid off?"

Ang iba naman ay tinawagan sa celphone at tinatanong tungkol sa nasabing chismis. Ang mga taga-ahensiya ay hindi masagot ang mga tanong dahil wala naman silang alam dun. Ang alam lang nila ay nagtawag ng general assembly ng 4:30 ng hapon na iyon ang presidente.

Nang imbestigahan ang pinanggalingan ng chismis, ang kinalabasan ay naibalita raw ito sa isang may-ari ng ahensiya na itago natin sa pangalang Dolce & Gabana (siguro naman kilala ninyo kung sino ang kaisa-isang kaibigan ni boss sa buong bansa). At ang sabi daw ni Dolce ay si boss daw ang nagkwento sa kanya.

Sa madaling salita, inuna pa ni boss ibalita sa isang taga-industriya kaysa mga tao niya mismo. Kaya tuloy mas nauna pang nalaman ng mga taga-industrya na may mawawalan ng trabaho sa ahensiya kaysa mga tao niya mismo.

Ang tanong namin ay, tama bang ikwento ang balitang ganito (na dapat hindi pinaguusapan sa labas ng ex-com) sa ibang tao, lalo na't sa isang taga ibang ahensiya? Iyon ba ay likas na gawi ng isang tunay na pamuno?

Sa pananaw namin, Mali ka boss.

p.s.
Nabalitaan namin na nagtawag na naman ng general assembly ang presidente ng alas-10 ng umaga bukas. May mga kakalat na naman kayang mga text message bago mag alas-10?

Tuesday, November 18, 2008

Bravo!

Dahil may nagtatanong, uunahin muna namin itong natanggap naming email tungkol sa mga pangyayari sa ahensiya kamakailan.

From: "Gonzales, Junie (MNL-LWW)" <junie.gonzales@loweworldwide.com>
Date: Sun, 16 Nov 2008 23:14:34 -0600
To: LWW MNL All Staff <LWWMNLAllStaff@corp.ipgnetwork.com>
Conversation: STOP OR START ?
Subject: STOP OR START ?

Dear All,

After 20 years with the company, I've concluded that the hardest thing for me to do is how to start. Whether working on a new project or in this case writing a goodbye letter, or is it a letter of goodbye ( anong mas tamaTina?) Well anyway I think the rule of thumb is "to make it simple."So please allow me to say a simple goodbye to two groups of people.

First to those who would stay on board. You may be a bit fewer in numbers Now, but this can be an opportunity to be more solid. To focus more on a common goal. May you come up with more big brand ideas, help each other to win more pitches and take good care of existing clients. I remember that Mr. Tony Wright wrote something like... The greatest accolade that an advertising agency can receive is when they earn the trust and respect of their clients and in return reward them with more of their brands.

To the second group who would be leaving the ship to make it a little lighter, I would say that it's but natural for us to focus on what was lost Rather than on what was gained. Because we only need our eyes to see what Was lost, but we need a heart filled with faith to see what was gained.But mind you, God can use our life's STOPS, to prepare us for the next START! And it's always better.

After last week's General Staff Meeting I've seen so many sad and worried faces and that includes me. It's so easy to see what retrenchment can do.But the next day after the smoke somewhat settled down God showed me what it cannot do. When I saw friends saying goodbye and hugging each other, I said to myself...Retrenchment you are sooo LIMITED! You cannot kill FRIENDSHIP.You cannot shut out HAPPY MEMORIES and most all, you cannot cripple LOVE!

I LOVE YOU ALL!
Junie

PS.
I believe that one of reason's God placed me in this agency is to share with you His gift of salvation. The reason why Jesus was born one night in a stable. This Christmas may everyone receive this Gift of Eternal Life.

If you want to receive His Gift, pray this simple prayer with all your heart:

Dear Jesus please forgive me of my sins.
I Believe that you died on the cross and rose again
To save me and bring me back to your kingdom.
Please save me Lord. I want you to be my Savior.
Please let your Holy Spirit dwell in my heart
That I may do your perfect will in my life.
In Jesus name...Amen.

Dito namin nakita (at kinaiinggitan) ang husay ng mga tao sa ahensiya. Nakuha ng art director na maisulat ang tunay na sentimyento ng mga tao.

Kaya naman sa kahulihang pagalis niya ay pinapurian siya ng buong departamento. Lahat sila ay tumayo at pinalakpakan siya habang palabas ng pinto. (Wala raw si boss sa mga panahon na iyon kaya hindi namin alam kung anong reaksyon niya sa mga pangyayari. Nguni't nakasisiguro kami na may magkukuwento sa kanya. Sino kaya?)

p.s.
Sinisiyasat pa namin ang ibang balita tungkol sa mga pangyayari nung nakaraang huwebes at biyernes. Hayaan ninyo at idadagdag namin ito sa lalong madaling panahon.

Wednesday, October 15, 2008

TV or not TV

Taon taon ay inaabangan ng mga tao ang tinatawag na Ad of the Year Awards. Ang bumubuo sa hurado nito ay mga ECD ng iba't ibang ahensiya. Sila ang inatasang hatulan ang mga entry dahil bilang ECD sila'y dapat may kakayahan, kagalingan, karansan at kahustuhan ng isip na maging makatarungan sa kanilang paghahatol.

Eto ang nangyari sa nakaraang hatulan.


Magkasama ang lahat ng mga huwes para talakayin o, kung kinakailangan, pagtalunan ang mga entry ng mga ahensiya. Ang pinaguusapan noon ay ang mga entry para sa telebisyon kung saan isinali ang isang kampanya para sa isang pagdiriwang ng mga pelikula. Pinagtatalunan nila kung ito ay dapat maging finalist lamang, o manalo ng tanso, pilak o ginto.


(Kung hindi ninyo naaalala ang seryeng ito.


Ang unang kwento ay tungkol sa isang batang nadapa habang tumatakbo sa tulay. Muntikan na siyang mahulog sa ilog kaya bigay todo ang pagiyak niya. Lumapit ang kanyang nakatatandang kapatid at sinabihang, "subtle lang, subtle". Ito ay pinamagatang "Directors".


Ang ikalawa ay tungkol sa batang nagbabasa ng kwento sa kanyang kapatid habang nakahiga sa kama. Ito ay pinamagatang "Scriptwriters".


Sa pangatlo naman ay may isang litratistang dayuhan na naglalakad sa tambakan ng basura. Ang isa sa kanila ay may nadatnang batang gusgusin at pumuwesto upang kunan ng letrato, pero pinigilan siya ng bata. Naghalungkat muna ang bata ng basura sa tabi niya hanggang nakahanap siya ng styropor na lalagyan ng fastfood. Pinagpag niya ang styro at pagkatapos ay binuksan ito at inayos ang angulo para mailawan ang kanyang mukha. Tsaka laman siya ngumiti para magpakuha ng letrato. Ito ay pinamagatang "Cinematographers".)


Halos lahat ng mga huwes ay sangayon na maganda naman ang serye at karapatdapat manalo. Ang nag-iisang sumalungat ay si boss.


Tutol daw siya sa ikatlong kwento. Walang kahiya-hiya niyang tinanong sa lahat ng mag kasama niya, "If it's about cinematographers, why is the child not holding the camera?"


Nagtaka ang mga kapwa niyang ECD kung talaga bang may alam si boss tungkol sa trabaho niya. Halatang halata sa tanong niya na wala siyang kamuwang-muwang kung ano ang cinematographer at kung ano ang trabaho nito. Mabuti na lang ay nagmagandang loob na lamang ang isang huwes sa tabi niya at pabulong na ipinaliwanag kay boss kung ano talaga ang gawain ng cinematographer. Tumango na lang si boss habang ang ibang mga huwes na nasa likuran ay pinipigilan ang pagtatawa at pagngingisi nila. Ang tanong nila sa isa't isa ay kung paano si boss naging ECD.


Laking gulat na lang namin nang malaman na si boss ay imbitadong magsalita sa isang panayam kung saan ang paksa na paguusapan niya ay "What's new on TV"



Monday, October 13, 2008

English 101

Maraming kwentong umaabot sa amin tungkol sa pagpapakita ng mga konsepto sa boss o ang tinatawag na pag-clear.

Isang araw daw ay pagkatapos mag-clear ng mga tao ay sinabi ni boss na, "you do the tagalog ideas and I'll do the english ones because I'm better at it." Walang imik na lumabas ang mga tao sa kuwarto ni boss dahil nainsulto sila sa baba ng pagtingin sa kanilang kakayahan sa wikang ingles.

Nguni't ang kanilang sama ng loob ay panandalian lamang at agad-agad naging katuwa-tuwa dahil sa pagpapakitang gilas ni boss sa kanyang kahusayan at pagkakaalam ng wikang ingles.

Sa isang pag-clear ay sinabihan niya ang isang manunulat na palitan ang naisulat kasi "the word flavorful does not exist in the english language."

Tingnan niyo na lang ang mga diksiyonaryo ninyo kung totoo ang sabi ni boss.

Tuesday, October 7, 2008

Spotted

Kung naaalala ninyo, may isang nakaraang kwento (Laban at Bawi) kung san nagpalit ng isip si boss tungkol sa oras ng pagpasok ng mga tao. Ang dating oras na pagpasok na alas-9:00 ay ginawa niyang alas-9:30 na lang. 

Akala namin ay gusto niyang gumaang ang loob ng mga tao sa kanya. Nguni't nagkamali pala kami. Alam na namin ngayon kung bakit niya ginawa iyon. May mga nakakita kasi sa kanya sa isang gusali sa may kanto ng Buendia at Ayala. Nageensayo siya sa isang gym dun tuwing alas 8:00.

Ang sabi ng mga tao ay "diba dati umaangal siya na puro gym lang daw ang inaatupag ng mga tao (Proclamation 1105)? E nasan na siya ngayon?"

Sa hilig ni boss na parating magsalita ng patapos ay mukhang madalas ay bumabalik sa kanya at kinakagat siya sa...

xoxo

Wednesday, September 24, 2008

Pi-pitch-ugin

Bukod sa manalo ng award para sa ahensiya (maski hindi naman talaga ahensiya ang gumawa ng trabaho -basahin niyo na lang ang Kodak moment), isa rin sa mga tungkulin ni boss ay mamuno sa mga pitch at maipanalo.

Talaga namang pinagsisikapan ni boss ang pagtrabaho ng pitch. Kasi, sa higit ng isang taon ay iilan lang ang mga imbitasyon sa ahensiya. Hindi ata alam ni boss (o ng presidente) na ang dahilan kung bakit hindi sila naiimbita sa mga pitch ay dahil ayaw ng mga kliyente kay boss. May isa pa ngang pitch kung saan nakiusap ang kliyente sa taga-accounts na wag daw ipag-present si boss.

Naiinis naman ang mga tao ni boss tuwing may pitch dahil nung nakaraan daw ay pinapasok ni boss ang mga tao ng sabado at linggo para magtrabaho para sa pitch. Kaya lang hindi naman siya sumipot. (Ito rin daw ang isa sa mga dahilan kung bakit umalis ang isang tagapamatnugot)

Sa lahat ng mga pitch na sinalihan niya ay natalo si boss. Ang nagiisang napanalunan ay talagang hindi dapat kabilang dahil ito ay isang "activation" lamang. Kung baga, isang project lang at hindi buong kampanya. Ang mga pitch naman kung san wala o hindi kasali si boss (kesyo nasa ibang bansa o kung anuman) ay napapanalunan naman ng ahensiya. Tila tama ang suspetsa na talagang hindi nakukuha ni boss ang pulso ng Pilipino.

Pero ayaw pa rin magpatalo ni boss dahil ang dating boss ay 100% ang record sa pagkapanalo ng pitch sa kanyang linipatang ahensiya. Kaya tuloy, pati mga pipityuging kliyente ay pinapatulan na niya. Kailan lang ay nag pitch siya para sa isang alahera sa Glorietta (na itago natin sa pangalang your diamond) at sa isang snack food na itago natin sa pangalang tingaling. Yung isa ay talo uli habang hinihintay pa raw ang balita tungkol sa isa.

Abangan ang kwento tungkol sa isang pitch para sa industriya (na hindi rin napanalunan ni boss, pero hindi yun ang punchline).

Friday, September 5, 2008

Dagdag bawas

Naku! Nadagdagan pa ang pagbawas ng mga tao sa departamento ni boss. Dalawang tagapamatnugot ay nagpadala ng sulat ng kanilang pagbibitiw ng tungkulin.

Ang naunang nagbigay ng sulat ay higit sa labinlimang taong nasa ahensiya. Noong Enero ay magpapaalam sana siya sa boss para magpahinga ng sandali at kumonsulta sa kanyang doktor. (Siya kasi'y inoperahan sa puso noong nakaraang taon at kinakailangan niyang magpa-checkup taon-taon.)

Hindi siya pinayagan ni boss. Wala raw ibang pwedeng mamahala sa mga proyekto ng kanyang grupo. Nabagok siya sa dahilang ibinigay ni boss.

Buti na lang ay may ibang taong nagmagandang loob at ibinalita ito sa presidente ng ahensiya. Kinausap ng presidente si boss at sa pilitan ay pinayagan na rin niyang magbakasyon.

Pagkalipas ng isang linggo, sumunod naman ang pangalawang tagapamatnugot na higit sa dalawampung taon nang nasa ahensiya. Hindi na nagulat ang mga tao dahil nakasanayan na nila ang sunod sunod na pagalis ng mga tao. Ito daw ang tinatawag nilang "second wave".


Tuesday, September 2, 2008

Bawas dagdag

Sa labinlimang taong umalis sa ahensiya, sampu dun ay galing sa departamento ni boss. Pinagsikapan naman ni boss na kumausap ng mga taong maaring pumalit sa kanila, sa dami ng mga nakausap ni boss, ito ang mga tumanggap ng kanyang alok.

Isang sekretarya.
Dalawang taga traffic.
Isang art director (na kapatid ng president ng ahensiya).

Maligayang pagdating sa inyo.


Tuesday, August 12, 2008

Kodak moment (part 2)

Isa sa mga pangalan ay paguusapan namin ngayon. Tulad ni boss, hindi rin maganda ang pagtingin ng mga tao dito. Kung sisiyasatin natin ang mga entry ng ahensiya, mapapansin na bukod kay boss, itong isang pangalan ay parating naisasama rin. Kaya tuloy pinupuna ng mga tao ang araw-araw na pagdalo nito sa kwarto ni boss na parating nakasara pa ang pintuan.

Ang paniniwala ng mga tao ay, tulad ni boss pakay lang nito ay pasikatin ang sariling pangalan. (Kaya okay lang sa kanya na iniwan siya ni boss at nauna nang tumungtong sa entablado sa Subic para tanggapin ang tansong kinagigiliwan)

Dati ay sinubukan tanungin ng isang empleyado kung bakit kasama ang pangalan nito sa mga credits, e wala naman daw siyang naitutulong sa paglikha ng konsepto. Hindi ito pinansin ni boss. Kaya tuloy kung anu-anong pangalan ang naibansag sa kanya tulad ng Mini Me, Santa Claus, at marami pang iba.

Thursday, July 31, 2008

Kodak moment



Eto po ang ipinadalang litrato sa amin kung saan ipinahayag ang pagkapanalo ng tanso ni boss sa isang tanghalan. Pansinin po ang mga nakalista sa credits.

Unahin natin ang kliyente. Ito po ay isang maliit na palabahan na makikita ninyo sa kalyeng Valero sa Makati. Kayo na lang po ang humusga kung kaya nilang gumastos para sa mga "postcard" na ito. (Kung hindi niyo pa nakikita, tanungin niyo na lang ang mga ECD at CD ninyo dahil sinigurado ni boss na lahat sila ay makakatanggap nito)

Tungkol naman sa mga taong nakalista, tatlo dun ay hindi mga empleyado ng ahensiya. (Kasama sila sa mga pangalang nailista namin sa Bagong Kawani noong nakaraan). Kaya naman talagang nagpipilit bumalik parati ang tanong "sino ba talaga ang makikinabang?"

Wednesday, July 23, 2008

Labat At Bawi (ang susunod na kabanata)

Tulad ng nasabi sa nakaraang kwento, pinagsisikapan ng boss ibahin ang pagtingin sa kanya ng mga tao. (Paikot-ikot pa nga sa opisina't kunwaring tumitingin sa mga ginagawa ng mga tao, pero wala namang kinakausap) Hindi pa rin niya naiintindihan na ang gusto lamang nila ay siya'y maging tunay na halimbawa ng kanyang mga palatuntunin. Ang naaalala nila'y si boss mismo ang nagbitiw ng mga salitang "I don't want talkers in this agency, I want walkers."

Kaya noong ipinalabas niya ang email kung saan nakalista ang mga taong atrasadong pumasok, ang binigyan nila ng pansin ay ang hindi pagkasulat ng oras ng pagpasak ni boss. (Na alam nila ay mas huli pa rin sa kanyang bagong tinakdaang oras).

Sino ba talaga ang "talker" at sino ang "walker"?

Monday, July 21, 2008

Laban At Bawi

Palabang ipinahayag ni boss na dapat pumasok ang mga tao ng alas-9 (taliwas man ito sa employee handbook), kaya pinagsikapan ng mga taong pumasok ng maaga dahil lahat naman sila ay masusunuring mga tao. Sa totoo lang, nabawasan rin naman ang mga taong atrasadong pumasok. Nguni't naghihimutok sila dahil madalas ay nauunahan nila si boss sa pagpasok, bakit ba daw ang nagdidikta ay siya mismong nagbibigo?

Noong nakaraang buwan ay nagtawag ng meeting ang boss kung saan ibinago niya ang patakaran. Alas-9:30 na lang daw ang pasukan ng mga tao (na taliwas pa rin sa employee handbook). Sa madaling salita ay binabawi niya ang batas na siya mismo ang nagdikta. Akala niya siguro ay maiiba ang tingin ng mga tao at siya'y magiging magiliw sa kanilang mga mata.

Sana.


Wednesday, June 4, 2008

Sabi na nga ba

Isang araw, magkasama si boss at isang taga-accounts. Dahil nabalitaan ng taga-accounts ang mga damdamin ng mga tauhan ni boss sa opisina, nag-magandang loob siya at kinausap si boss.

Ani niya, "Maybe you can spend more time with the creatives, you know, talk to them, bond with them. It might lead to a healthier, better working environment".

Ang sagot ni boss ay "No! They should adjust to me".

Walang masabi ang taga-accounts at nanahimik na lamang.




Monday, June 2, 2008

5-6

Hindi po tungkol sa mga bumbay ang kwentong ito. Sa totoo lang, ito ay tungkol sa pag-announce ng award na napanalunan ng ahensiya.

May email na ipinadala ang boss kung saan ay ipinasasalamatan niya ang mga tumulong sa paggawa ng ad na nanalo ng tanso sa isang award show kamakailan lang.

Ang pamagat ng email ay "The Fab Five". Maganda sana ang intensiyon ni Boss at ginawan pa ng konsepto ang kanyang sulat. Ang problema lang ay anim ang pangalang nakalista dun. At puro mga taga-accounts at print production lamang. Maganda man ang balita ng pagkapanalo kailangan namin itanong, bakit hindi kasama sa sinabing email ang mga pangalan ng mga taga-creative?

Nang maimbestiga, nalaman namin na ang mga creative ay yoong mga nakalista sa entry na pinamamagatang Bagong Kawani. Sa madaling salita, hindi sila mga empleyado ng ahensiya.

Kaya naman pala sa text blast ng isang magasin ang nakasulat sa text ay "Congratulations to (boss) and his team" hindi binanggit ang ahensiya.

Dapat siguro ulitin ang tanong namin sa Bagong Kawani. "Ang ahensiya ba talaga ang makikinabang?"


Thursday, May 8, 2008

Aba, kada buwan

Noong Marso nagumpisa ang pagaalisan ng mga tao. Kung tutuosin, labinlima na sila, kaya halos linggu-linggo ay meron at higit sa kalahati sa kanila ay tauhan ni boss. Kung pagsasamasamahin, silang lahat ay nagtrabaho sa ahensiya ng higit kumulang na syamnapung taon, kaya hindi lang sila mga kung sinu-sino na hindi mapakali. Tila may mga hinanakit ang iba sa kanila na ayaw paniwalaan ng boss ni boss.

Ayon sa kanilang mga apelyido,
A,C,C,D,G,J,L,M,N,O,Q,S,T,V,V

At balita namin ay sa mga susunod na linggo ay madadagdagan pa ito. Isa-isa nang naiku-kumpleto ang alpabeto.


Tuesday, April 29, 2008

Mr DJ

Naimbita ang ahensiya sa isang pitch para sa isang produkto ng kliyente nila. Siempre naakit sila sa panibagong pagkakataong magpakitang gilas.

May request lang kami, kung pwede sana, hiling ng kliyente (itago natin sa pangalang Ester).

Ano yun? tanong ng taga accounts.

Mas maigi sana kung hindi na isama si Boss pag nag-present ninyo, mapitagang sinabi ni Ester.

Naiintindihan ko, sagot ng taga accounts.

----------

Bakit ganun? tanong ninyo.

Itong si Ester kasi ay tauhan ni Ruffa (basahin ang kwentong "Barilan" kung hindi niyo siya kilala.


Monday, April 21, 2008

Amendment 414

Ay, isang buwan na pala ang nakalipas. Patawad po't hindi namin naibabalita ang mga karagdagang pangyayari. Hayaan niyo't babawi kami.

Bukod sa mga sinabi ni boss noong Proclamation 1105, may mga bagong patakaran sa ahensiya.

1) Bawal umupo sa sahig
2) Bawal rin magbasa ng dyaryo kapag office hours.

Ayon sa boss, ang mga gawaing ito ay nakakasira sa "integrity of the agency".

Tanungin niyo na lang ang mga taga-ahensiya para sa buong kwento.



Monday, March 3, 2008

Bagong Kawani

Laking gulat ng mga tao sa ahensiya ng malaman nila na mayroong mga bagong empleyadong hindi pa nila nakikilala.

Nadatnan kasi nila sa isang pahayagan na may ad na gawa daw ng ahensiya nila. Nguni't bukod sa pangalan ni boss ay nasa listahan ng credits ang mga pangalang Dylan See, John Foster, Somjai Satjatham at Edward Loh. Wala silang kakilalang ganun sa opisina. Tiningnan pa nga nila sa direktoryo ng ahensiya nguni't hindi talaga nila mahanap ang ni isang pangalan.

Sa pagtatanong ay nalaman din nila ang katotohanan. Ang mga ad na yun ay baon pala ni boss mula sa dati niyang ahensiya sa ibang bansa. Hindi namin matiyak kung yun ay hindi pumasa sa kanyang dating boss o kaya't hindi nahanapan ng kliyenteng makumbinseng gumawa ng scam. Ang puno't dulo ay hindi yun gawa ng mga tao sa ahensiya dito pero ipinadala pa rin ni boss sa kung anu-anong awards show sa pangalan ng ahensiya.

Kung manalo man ito, ang ahensiya ba talaga ang makikinabang?



Wednesday, February 20, 2008

Wala sa oras

Tulad sa nasabi sa Proclamation 1105, ang gusto lang naman ng tao ay si Boss ay maging huwaran na susundan nila. Kung oras ng trabaho ay dapat nagta-trabaho. Kung sinabing lahat ay dapat pumasok bago mag alas-9 (taliwas man ito sa nakasulat sa Employee Handbook ng ahensiya) ay dapat siya rin.

May karagdagang pangyayari na nagpatindi pa sa kanilang inis sa boss. Isang hapon, mga alas-2 ata yun, ay pipila sana ang mga team sa labas ng kwarto niya upang magpakita ng mga konsepto. Nguni't sarado ang pinto. Akala nila'y kausap na naman ang kanyang dakilang kaanib. Nakasanayan na kasi nilang madatnan ang dalawa na naguusap sa loob at tila'y nag-iisip ng paraang gumawa pa ng mga scam ad. Pero nang makasilip sila sa loob, iba ang nakita nila.

Si boss ay nakahilata sa sofa, tulog.

Ang takot lang nilang kumatok para gisinging ang boss. Kaya pinagusapan na lang nila kung ano kaya ang gagawin ng boss kung sila naman ay madatnang tulog.



Wednesday, January 23, 2008

Sari-sari stories

Mga napulot na balita noong ad congress.

Ayon sa mga ibang judge, noong nagsamasama sila para sa judging, ay talagang inikot ni boss ang bawa't judge at nagpakilala. Okay naman sana yun. Kaya lang sinundan pa niya ng buong kasaysayan ng kanyang advertising career. Ang pakiramdam nila ay parang ipinagpipilitan niyang patunayan ang kanyang pagkasapi. Sabi nga ng isang judge, "kailangan pa ba yun?"

Napansin rin nila noong awards night na paumpisa pa lang basahin ang pamagat ng kanyang lahok ay naroon na siya sa entablado, tangan ang tansong
napanalunan. Ni hindi niya hinintay ang kanyang head of art na kasabwat sa paglikha ng scam ad na iyon para sabay man lang sana silang umakyat. "Napakaatat naman" sabi nung isa "parang first timer."

Wednesday, January 2, 2008

Barilan (Huling Kabanta, sana)

Sa mga gustong malaman kung sino ang kliyenteng pinaguusapan sa unang kabanata, ang clue ay "let's go back to the sofa then")


Para sa mga may duda pa tungkol sa pinanggagalingan ng inis ng mga tao sa boss, eto na po ang susunod na kabanata.


Ang sagot ng taga accounts sa text ay isang galit na "YES!" nguni't dahil naiwan nga siya sa opisina ng kliyente ay nagtimpi siya at humingi ng paumanhin sa ginawa ni boss. Damage control baga.


Sa galit ng taga-accounts ay binalak niyang isumbong ang nangyari sa presidente ng ahensiya. Pagkatapos ng meeting ay tinawagan niya ito, pero bago pa man maikwento ang mga pangyayari ay sinabi ng presidente na alam na niya ang kwento. Napalagay ng kaunti ang taga-accounts dahil akala niya na umamin ng kasalanan ang boss.


Sa mga sumunod na araw ay kumalat na ang balita sa ahensiya kaya't mas nadismaya ang mga tao sa naipakitang masamang ugali ni boss (tila wala siyang natutunan tungkol sa kultura ng mga asyano sa kanyang sandosenang taong naninirahan sa asia).


Pero wala pa tayo sa katapusan ng kwento. Lumala pa nga.


Habang pinaguusapan ng mga tao sa ahensiya ay nagulat sila nang malaman na may version 2 ang kwento. Kaloka! ika nga ng mga bading. Iba raw ang isinalaysay na kwento ni boss sa presidente. Kaya naman mas lalong nainis ang mga tao at nawalan ng respeto sa boss. Imbes na maging lalake at aminin ang kanyang pagkakamali ay nagawa pang ibahin ang kwento.


Ewan lang namin kung umabot sa presidente ang totoong kwento para sana'y mapagsabihan si boss.