Friday, September 5, 2008

Dagdag bawas

Naku! Nadagdagan pa ang pagbawas ng mga tao sa departamento ni boss. Dalawang tagapamatnugot ay nagpadala ng sulat ng kanilang pagbibitiw ng tungkulin.

Ang naunang nagbigay ng sulat ay higit sa labinlimang taong nasa ahensiya. Noong Enero ay magpapaalam sana siya sa boss para magpahinga ng sandali at kumonsulta sa kanyang doktor. (Siya kasi'y inoperahan sa puso noong nakaraang taon at kinakailangan niyang magpa-checkup taon-taon.)

Hindi siya pinayagan ni boss. Wala raw ibang pwedeng mamahala sa mga proyekto ng kanyang grupo. Nabagok siya sa dahilang ibinigay ni boss.

Buti na lang ay may ibang taong nagmagandang loob at ibinalita ito sa presidente ng ahensiya. Kinausap ng presidente si boss at sa pilitan ay pinayagan na rin niyang magbakasyon.

Pagkalipas ng isang linggo, sumunod naman ang pangalawang tagapamatnugot na higit sa dalawampung taon nang nasa ahensiya. Hindi na nagulat ang mga tao dahil nakasanayan na nila ang sunod sunod na pagalis ng mga tao. Ito daw ang tinatawag nilang "second wave".


6 comments:

Anonymous said...

Sinong CD na lang natira?
MD and Malou?
Gawin na lang CD si Ray!

Anonymous said...

Wow naman. Gusto ata patayin ni ECD yung batikang CD na yan.

Anonymous said...

Nandyan pa ba si joey campillo? Baka silang dalawa na lang matira dyan.

Anonymous said...

nakakalungkot naman marinig na ang mga taong matagal na nagsilbi sa ahensyang ito ay hinahayaang umalis ng presidente. i wonder if keeping the "boss" is worth all the good people that she let go.

Anonymous said...

Eh bakit ba?

Pagsamihin n'yo naman ang itsura ng dalawang CD na yan, hindi papantay sa pag ka-cute ng Baby Putik ko! Mukhang angel ata ang baby ko, pero ugaling impakto. haha! Anak ko ata yan, kaya go anak "DUROGIN ANG MGA TAO MO! ISA-ISANG PAALISIN. JUST BE YOURSELF ANAK. SIGURADONG AALIS SILA!" Sa ugali at utak mo anak, matinding pagtitiis ang dapat para lang makasama ka araw-araw. Pero kung wala silang dami ng tiyaga, siguradong aalis sila. At tayong dalawa na lang anak ang mag hahari. Siyempre andyan si Mario para utos-utosan natin. Anak come to Mama, Mama will breastfeed you...

Dede nah,
Mother Putik

Anonymous said...

Sabi ng Baby Putik ko, ma i don't need them!!! Kaya kong patakbuhin ang departamento na wala sila. Kasi wala naman akong ginagawa sa departamento,kaya kayang-kaya ko! Kaya pasok lang ako everyday pero mag gym muna sa Fitness First Plus RCBC, pasok ng 9am. Iikot muna ng 2beses (every 30mins) sa 16F para ma feel nila presence ko. Titingin sa mga naka paskil na scam sa pader ko. Minsan kukunin ko at ilalagay sa table ko pero titignan ko pa rin. Na para bang may nabago pag kinuha ko mula sa pader. Tapos pupunta kay Mario para kunwari busy at isipin nila na ang dami kong trabaho. Haaaayy mama ang hirap ng trabaho ko, paulit-ulit na pagpapanggap inay.

Sabi ko naman kay baby - "HOY ANAK SA PAG KA MANGMANG MO, ABA PASALAMAT KA MAY GINAGAWA KA PA. I SHOULD KNOW, IM YOUR MAMA MIA!"

Future Dancing Queen of the Agency,
Mother Putik