Wednesday, January 23, 2008

Sari-sari stories

Mga napulot na balita noong ad congress.

Ayon sa mga ibang judge, noong nagsamasama sila para sa judging, ay talagang inikot ni boss ang bawa't judge at nagpakilala. Okay naman sana yun. Kaya lang sinundan pa niya ng buong kasaysayan ng kanyang advertising career. Ang pakiramdam nila ay parang ipinagpipilitan niyang patunayan ang kanyang pagkasapi. Sabi nga ng isang judge, "kailangan pa ba yun?"

Napansin rin nila noong awards night na paumpisa pa lang basahin ang pamagat ng kanyang lahok ay naroon na siya sa entablado, tangan ang tansong
napanalunan. Ni hindi niya hinintay ang kanyang head of art na kasabwat sa paglikha ng scam ad na iyon para sabay man lang sana silang umakyat. "Napakaatat naman" sabi nung isa "parang first timer."

2 comments:

Anonymous said...

Anu yung "scam ad" na pinanalunan nila, Mario? o Joey ba 'to?

Anonymous said...

Pinag sabihan ko nga anak ko, sabi ko sa kanya "Hey you, watch your back! I don't trust that Mario guy anak! His like a suso anak, you know... that animal who makes sipsip but has no brain. He'll just ride your back anak, you know?!" Tama na ang mga ganun katulad niya, may anak na ako! Solve na ko kay baby putik.
- Mrs. Putik