Tila maraming mapaghusgang tao ang nagbabasa ng blog na ito kaya hahayaan ko na lang kayo maghatol kung tama o mali ito.
Noong panahon ng dating boss ay napanalo na ng ilang beses ng mga award ang produkto ng kliyenteng ito. Ito siguro ang dahilan kung kaya't naisip ni bagong boss na siya mismo ang gagawa ng kanilang bagong kampanya. Magpasikat, baga. Kaya naman pinagsikapan niya ng ilang araw at sinabi ring siya mismo ang maglalahad nito sa kliyente.
Pagdating sa client presentation ay nandun ang namumuno sa marketing (itago natin sa pangalang Ruffa) at ang brand manager. Ikinwento ni boss ang dalawang storyboard na bunga ng kanyang kakayahan.
Bang! Bang!
Binaril ni Ruffa ang dalawang konsepto. Sabi ni boss, "Well, let's go back to the sofa then" sabay tumayo at umalis dala-dala ang mga storyboard. Naiwang nakatunganga ang mga kliyente pati na rin ang taga-accounts na iniwan niya.
Mayamaya ay nakatanggap ng text ang taga-accounts. "Was I too harsh?" ang tanong ni boss.
Ano ang isasagot ninyo?
10 comments:
Kung ang sinagot ng mga AE ninyo ay "hindi naman...." e talagang karapat-dapat kayo sa isa't isa.
Dinig namin ay sinasadya ng inyong amo ang pambabastos. Para kusang umalis ang mga hindi niya kasundo.
Kanya-kanyang istilo lang 'yan. Sa ahensiya namin, tahimik lang ang mga diyos. Pero kung hindi ka nila type, tsugi ka na agad. Walang memo-memo; walang banta; walang mura. Pink slip agad.
Mas gusto niyo ba 'yon? E di tumawid na lang kayo ng Ayala. Magpalitan tayo ng puwesto!
Kung kayo ay napapaalis sa pink slip lang, siguro ay 'casual employee' lang kayo o kaya't hindi pa permanent sa ahensiya. Sa mga multinational na ahensiya, mas mahirap iyan kaya naman minsan umaabot sa demandahan. Naranasan na nilang mademanda nung mga nakaraang taon, pati na rin ang Saatchi, Burnett at Ogilvy ay nademanda na rin, kaya dapat magingat sila sa gawa gawa nila
sa ganang akin eh okay ang blog na ito. isang pang-aliw sa nakakakaumay na buhay ahensya. at pampalimot na din na walang bonus.
atsaka who doesn't love tsismis? amininnn!
tungkol sa boss n'yo eh.. well.. ang consequence ng sobrang taas na sweldo, sobrang taas na expectation. pressured ang lolo mo to win awards. isa pa, kokonti lang naman ang creatives na good managers and motivators. meron pa ngang prevailing thought na, kaasiman is directly proportional to talent. siyempre ang iba naman take it too far. sobrang asim, wala namang galing. ahahahaha kakalurkey...
Hoy, multinational din kami a. Siyempe, kapag matagal ka na rito, ang pink slip may kasamang "hush money." Pero wala ka pa ring laban kung ayaw mong umalis. Kapag ayaw na nila sa iyo, ayaw na nila.
Pero true. Bihira ang ECD na magaling na sa paglikha, pati na rin sa pag-alaga ng utaw.
clayo, kasi na-spoil lang kayo sa lola R ninyo. ika nga ng libro, the cheese has moved. follow ka na lang.
tama ka dyan...na spoil lang ang mga utaw ng lowe sa dating boss nila. Kung ayaw na nila eh di umalis na sila. As simple as that. Question is, may tatanggap pa ba sa mga nalipasan ng panahon na mga divas na eto ?
Palagay ko hindi sila umalis dahil gusto nilang bigyan ng pagkakataon itong bagong boss na ipakita ang kanyang kagalingan at maituro sa kanila. Ngunit datapwat subalit, mukhang wala naman itong ibubuga.
Sa mga pitch na sinalihan ni isa ay hindi napanalunan. Hindi naman siguro ang mga tauhan ang may kasalanan nun dahil ang boss ang gumawa.
Tungkol sa pagalis, mayroon sigurong aalis, hinintay lang ata ang bonus. Swerte nga't sila'y meron e kami 13th month wala pa.
All I can say is that the ex-ECD's track record in winning pitches at his new agency is 100% so far.
Hmmmm. Mas magaling ba talaga ang mga expat?
Iinom n'yo na lang ang mga frustrations n'yo (tulad ng ginagawa namin dito sa maliit naming ahensya). Gawin n'yong katatawanan ang mga attitude ng mga amo, halimbawa ang konsolasyon ko na lang sa sarili ko dito ay mas creative pa ako sa creative director, hehe... Kumbaga eh pasayahin na lang ang sarili.
Sinong Ruffa, baka si Ruffie ng Monde. Nangyari ito sa presentation ng Fita.
Ang anak ko ang da best! Mana sa akin yan at higit sa lahat ang kumuha sa kanya ay makapangyarihan. Kaya kahit anong dumi ang inyong makita ito'y mawawala sa mata ng makapangyarihan... dahil nga siya ang kumuha. Get it? Get it?! Ganito yan para sa mga mangmang na katulad ng anak ko. Ang kumuha sa anak ko ay hindi pwedeng magkamali sa pinili niya, kaya kahit isang katutak na ang pagkakamali ng anak ko mag bubulag-bulagan ang makapangyarihan. Heh bakit kanyo? Kasi pag may mali sa kinuha niya may mali din sa ginawa niya. Bwahahaha! Tagumpay ang pag papalaki ko kay Baby Putik! Isang batang mangmang na balang araw may pupulot sa kanya at dadalhin sa isang malaking ahensya. Ngayon ako ay masaya na.
- Mrs. Putik
Post a Comment