Wednesday, December 26, 2007

Confeermed

Pasingit lang po ng balita.


Pagkatapos niyang magpahinga ng ilang buwan dahil na-ospital siya ay tuluyang nang nag-resign ang isang taong nasa mataas na posisyon sa ahensiya.


Bago pa man siya ma-operahan ay may ilang beses nang hindi sila magkasundo ni boss tungkol sa trabaho. Ayaw na niyang hintayin ang kanyang retirement sa darating na taon. Isinangtabi na lang niya ang milyun-milyon sana'y makukuha niya. Hindi daw yun makapagbabayad sa pangiinsulto sa kanya noong nagmura si boss at ang iba pang kakaibang ugali nito. Kaya niyang itong panindigan dahil talaga namang hindi niya kailangang magtrabaho. Aalagan na lang niya ang kanyang asawa't mga anak sa bahay nila sa Alabang.


Ang mga naiwan naman ay mas gugustuhin na rin sanang umalis kudi lang umaasa sa kanila ang mga pamilya, magulang o kapatid nila. Sana maintindihin natin sila bago natin husgahan at sabihang, "e di lumayas na rin kayo."

4 comments:

Anonymous said...

"Sana maintindihin natin sila bago natin husgahan at sabihang, 'e di lumayas na rin kayo.' ?

Hey, I've been there. Worked for tyrants, political-types and chauvanists. I know life with C. is hard there compared to life R., but you make the bed you lie in.

When you gotta go, you gotta go.

So, I'm afraid I'll still have to agree with some of the other kibitzers here, and say that you have to fight with dignity. Face your boss. Don't hide behind this execution-by-blog.

Anonymous said...

Naiintindihan ng bawat Pilipino ang nararamdaman ninyo. Walang pinag-iba sa Hello Garci ringtone ang blog na ito: pag wala nang magawa laban sa opresyon, ang tanging katarungan ay nasa pagkaisa ng kuro-kuro ng madla. Ibunyag,Pagtawanan, Laitin at Ipagkait ang pag-apruba ng masa. May naidudulot ba? Sa aktual na katarungan, marahil ay wala. Ngunit may halaga rin marahil ang konsolasyong sikolohikal na bagama't tahimik, may laban pa rin. Bagama't kailangang pagtiisan, hindi isinusuko ang puso at diwa.

Anonymous said...

AGREE --- UMMM ...

"Sana maintindihin natin sila bago natin husgahan at sabihang, 'e di lumayas na rin kayo.' ?

Hey, I've been there. Worked for tyrants, political-types and chauvanists. I know life with C. is hard there compared to life R., but you make the bed you lie in.

When you gotta go, you gotta go.

So, I'm afraid I'll still have to agree with some of the other kibitzers here, and say that you have to fight with dignity. Face your boss. Don't hide behind this execution-by-blog.

Anonymous said...

Hep hep hep! Sinusunod lang ni Baby Putik ang mga pinagagawa ko sa kanya. Ang sabi ko bago siya lumipat diyan... "Basta anak kung mas matalino sa iyo ang mga tauhan mo, awayin mo sila! Huwag mo silang pansinin anak! Kasi pag pinatulan mo sila anak mahahalatang mas magaling sila sa iyo. Kaya silent treatment lang ang pang laban mo ha." At sabi ko rin "Anak pag hindi mo alam ang mga bagay-bagay, they don't exist OK?!
- Mrs. Putik