Wednesday, December 5, 2007

Strike Two

Mukhang di pa rin naintindihan ng boss ang kanyang malaking pagkakamali sa pagcc (basahin ang mga naunang post kung ngayon niyo lang nasadya ang blog na ito) dahil eto na naman siya.


May mga tinatawag na "regional brands" ang ahensiya. Sa madaling salita, ang mga patalastas para sa isang produktong binebenta sa isang rehiyon ay nililikha ng isang ahensiya lamang (kaya maaring ipagyabang na ang galing ng Pilipino sa advertising ay pang export din).


May isang meeting para sa isang regional brand kung san may kasamang regional account person na dayuhan din (itago natin sa pangalang Ruben). Hindi magkasundo si boss at itong si Ruben tungkol sa gagawing trabahao para sa brand. Kulang na lang daw ay magsuntukan ang dalawa.


Ang puno't dulo ay sinumpa ng boss na hindi na daw siya gagawa ng trabaho para sa brand na yun dahil ayaw niya kay Ruben.


Ang tanong ay, kelan ba nagkaroon ng boss na namimili kung aling trabaho ang gagawin niya at alin ang hindi? Ibigay kaya niya ang bahagi ng kanyang sweldo sa mga taong gagawa ng trabaho niya?


Baka dapat bumalik na lang siya sa pag freelance?


12 comments:

Anonymous said...

That guy is a joke and he's not only making a fool of himself but also of the agency and of Filipino creatives as a whole.

MG and L,Inc. have clearly made a mistake in hiring him.

His losing the recent big pitch is testament enough to his incompetence given that L, Inc. has had a good history of winning big pitches.

Anonymous said...

Pare kayo ang pinaka masamang klaseng tao. Mga traydor na nag papanggap na pro-pinoy kayo.

Kayo ang pinaka masahol na Pilipino.

Ang nagsusulat nitong blog ay duwag at walang karapatan mag ahensiya.

Ang sweldo na kinukuha niya ay di karapatdapat sa kanya.

Eh kung ayaw niya umalis siya.

Kupal siya.

clayo awards said...

please do not feed the troll

Anonymous said...

Naligaw lang ako dito, pero binasa ko na rin yung buong blog dahil trabahador ako sa isang maliit na ahensya. Ito lang ang masasabi ko, wala yan dito sa pinapasukan ko. Kung dito ay rated-x, d'yan ay rated-pg lang.

Anonymous said...

anonymous,

I share your sentiments. Kaya dapat matuto tayong mga Pinoy maging mga negosyante so we won't have to answer to these kinds of bosses anymore.

Anonymous said...

Ang sumusulat nitong blog ay isang Duwag. Anung klaseng tao ang gagawa nito at pag kaharap ang kanyang ka opisina ay naka ngiti.

Nung panahon ng Hapon ang tawag sa yo brad ay Makapili.

Anung klaseng tao din ang blogger kung lakas humirit pero di naman matanggap opiniyon ng iba? Wala siyang kina iba sa tinitira niya diba?

Anonymous said...

Advice to the blogger.

Channel your energies at creating great work that will blow everyone away rather than focusing on the inanities you rant about in this blog.

The sad part about the new generation in the industry is that they are distracted by other things that shouldn't matter as much. This blog included.

It is strongly suggested you sit back and examine deep down inside and ask "am I doing the right thing by airing my dirty laundry when I should be focused on my work. On creating mind-blowing ads"

Just remember the Golden Rule man. There is a reason why it is the Golden Rule.

Anonymous said...

Yeah and with mind-blowing ads you mean they shouldn't bitch about petty issues like who's shaving at 9am, losing pitches and such? Great work Clayo!

Anonymous said...

oh wala ka na bang entries duwag?

Anonymous said...

Ran out of stuff to whine about, iyakin?

Anonymous said...

Ginawa niya ang lahat-lahat para sa mga pitches na iyon! Humingi siya ng mga tulong sa mga CDs kaya yun ibang mga napanalunan ay dahil sa tulong mga CDs na kinuha niya. Konektado pa rin di ba? Yun nga lang madalas siyang minamalas pag siya lang ang humahawak ng pitch ay hindi nananalo. Malas lang talaga ang anak ko pero sa mata ng isang anak... magaling siya! Magaling siyang matalo! Huwag kang mag alala anak mapapatunayan mo rin balang araw na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa at manalo sa darating na pitch. Pitch ng Seiko Wallet anak!
-Mrs. Putik

Anonymous said...

hoy putik! bagay sayo yang pangalan mo masahol ka pa sa putik. baboy!