Monday, July 21, 2008

Laban At Bawi

Palabang ipinahayag ni boss na dapat pumasok ang mga tao ng alas-9 (taliwas man ito sa employee handbook), kaya pinagsikapan ng mga taong pumasok ng maaga dahil lahat naman sila ay masusunuring mga tao. Sa totoo lang, nabawasan rin naman ang mga taong atrasadong pumasok. Nguni't naghihimutok sila dahil madalas ay nauunahan nila si boss sa pagpasok, bakit ba daw ang nagdidikta ay siya mismong nagbibigo?

Noong nakaraang buwan ay nagtawag ng meeting ang boss kung saan ibinago niya ang patakaran. Alas-9:30 na lang daw ang pasukan ng mga tao (na taliwas pa rin sa employee handbook). Sa madaling salita ay binabawi niya ang batas na siya mismo ang nagdikta. Akala niya siguro ay maiiba ang tingin ng mga tao at siya'y magiging magiliw sa kanilang mga mata.

Sana.


3 comments:

Anonymous said...

Eh kung wala kayong magawa tulad ng Baby Putik ko... talagang babaguhin n'yo na lang ang mga time in time out. Para lang masabi na si Baby ay tutok sa mga tauhan nya, kaya martialowe pa rin. Batayan niya talaga ang pagiging creative sa pagpasok ng maaga at pag tulog sa sofa niya during office hours. Ang baby ko talaga mamang mangmang lang. Sa susunod 10am na ang pasukan,kahit sinabi na ng hindi legal ginagawa niya, tuloy pa rin ang baby. Kasi nga wala siyang pakialam. My baby your the no.1!

Love you baby,
MAMA PUTIK

Anonymous said...

Kahit ano pang ang oras ang sabihin ng Baby Putik ko, suportado siya ng MAkapangyaRIhan. Hhahaahaha! Biruin mo sa department lang ng anak ko (hindi sa buong opis) may ganitong patakaran, pabago-bago ng oras ng pag pasok. Kaya kahit gawin ni Baby Putik na 5am ang pasok ng Creatives ay OK lang sa management. Pwede rin 3am para mala call center or tawagin na lang natin na Creative Call Center... hello hellow hellowe?

Sa susunod na reklamo niyo... 1am na ang pasok ng Creative Department!

Magdusa kayo,
Mother Putik

Anonymous said...

dv