Eto po ang ipinadalang litrato sa amin kung saan ipinahayag ang pagkapanalo ng tanso ni boss sa isang tanghalan. Pansinin po ang mga nakalista sa credits.
Unahin natin ang kliyente. Ito po ay isang maliit na palabahan na makikita ninyo sa kalyeng Valero sa Makati. Kayo na lang po ang humusga kung kaya nilang gumastos para sa mga "postcard" na ito. (Kung hindi niyo pa nakikita, tanungin niyo na lang ang mga ECD at CD ninyo dahil sinigurado ni boss na lahat sila ay makakatanggap nito)
Tungkol naman sa mga taong nakalista, tatlo dun ay hindi mga empleyado ng ahensiya. (Kasama sila sa mga pangalang nailista namin sa Bagong Kawani noong nakaraan). Kaya naman talagang nagpipilit bumalik parati ang tanong "sino ba talaga ang makikinabang?"
4 comments:
sinong makikinabang?
yung ahensya siguro?
pakanegative mo tol.
buti nga nanalo kayo nanalo ahensya nyo.oks ka din nanalo ahensya nyo reklamo ka pa din.
mas nakilala ahensya nyo sa labas.
itong ginagawa mo nakakasira.sino makikinabang sa blog nato?
yung mga wala bayag siguro.
asan yung material?
pakita naman...
totoo ba ang balita na isa isa nang nag-re-resign ang mga CDs nyo?
yung isa, ayaw na sa advertising.
yung isa, mag-re-retire na.
yung isa, aalis na ng pilipinas.
yung isa, magcoconcentrate na lang sa anak.
at yung isa, matira matibay na lang.
Hay naku mario, sige papatulan kita.
Hindi nakikinabang dito ang ahensiya ninyo dahil alam ng lahat na ang trabahong ito ay scam lamang. Kung sa palagay mo ay gaganda ang pagtingin ng mga kliyente ninyo dahil dito, baka kailangan mong mabatukan ulit ng matauhan.
Sa aaminin mo man o hindi, dahan dahang nawawala ang mga kliyente ninyo dahil ayaw nila sa boss na sinisipsipan mo araw araw. Hindi niya naiintindihan o nakukuha ang pulso ng Pilipino kaya wala silang bilib sa kanya. Diba't hindi kayo imbitado sa pitch ng Unilab? At sa mga pitch na hinawakan ng boss mo, ni isa ay hindi niya napanalunan.
Kung negative ang tingin mo sa blog na ito, nagbubulagbulagan ka. Ang katotohanan ay, makilala man ang ahensiya sa labas tulad ng ninanais mo, hindi naman ito dadagdag sa billings ng ahensiya ninyo. At sa mga panahong ito, mas kailangan ninyo ng pera kaysa award.
Gusto mong bigyan ng halaga ang pagkapanalo para makilala ang ahensiya ninyo sa labas. Ows? Aminin mo na kasi. Gusto mo lang manalo para makilala ka at mapansin ka dahil walang pumapansin sa iyo sa opisina ninyo.
Ayaw mo man paniwalaan, hindi itong blog ang nakakasira sa ahensiya ninyo. Hindi mo maipagkakaila na ang higit na isang dosenang taong umalis diyan ay hindi lumayas dahil sa nabasa nila sa blog na ito. Ikaw at ang boss mo ang dahilan. Kayo ang sumisira sa ahensiya. Kayo ang salot. At dahil ayaw ninyong tanggapin ang katotohanan, kayo ang walang bayag.
Sana madatnan kita isa sa mga araw na ito para mabatukan ka muli.
Post a Comment