Hindi po tungkol sa mga bumbay ang kwentong ito. Sa totoo lang, ito ay tungkol sa pag-announce ng award na napanalunan ng ahensiya.
May email na ipinadala ang boss kung saan ay ipinasasalamatan niya ang mga tumulong sa paggawa ng ad na nanalo ng tanso sa isang award show kamakailan lang.
Ang pamagat ng email ay "The Fab Five". Maganda sana ang intensiyon ni Boss at ginawan pa ng konsepto ang kanyang sulat. Ang problema lang ay anim ang pangalang nakalista dun. At puro mga taga-accounts at print production lamang. Maganda man ang balita ng pagkapanalo kailangan namin itanong, bakit hindi kasama sa sinabing email ang mga pangalan ng mga taga-creative?
Nang maimbestiga, nalaman namin na ang mga creative ay yoong mga nakalista sa entry na pinamamagatang Bagong Kawani. Sa madaling salita, hindi sila mga empleyado ng ahensiya.
Kaya naman pala sa text blast ng isang magasin ang nakasulat sa text ay "Congratulations to (boss) and his team" hindi binanggit ang ahensiya.
Dapat siguro ulitin ang tanong namin sa Bagong Kawani. "Ang ahensiya ba talaga ang makikinabang?"
Monday, June 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Sa higit isang taon ng anak ko sa opisina, wala pa siyang napapatunayan na talagang magaling siya sa pang award. May napanalunan nga siyang print pero dala niya ito galing sa ibang bayan. Kaya huwag kayong maingay ang pag kakaalam ko hindi rin sa kanya yun. Pero tayo-tayo lang ang nakakaalam para isipin nila na magaling siya. Kaya kahit ni isang excisting account ng opisina wala siyang mapanalunan ay ok lang. Pag marami ka talagang dalang magagandang prints galing sa ibang lugar iisipin ng mga tao na ikaw nakaisip nun. Ako nag turo kay baby putik nun at wala ng iba.
- Inang Putik
Kaya naman ang utos ko sa Baby Putik ko, mag CRB ka lang ng mga initiatives/scam/pro active/libreng ads sa mga di kilalang produkto sa department mo. Tapos, pag tapos na ang mga presentations ng mga tauhan mo i-collect mo lang ang mga concepts nila. Itabi mo para sa next job mo ito yung entry mo sa mga competitions. Pero gumamit ka ng mga kakaibang pangalan para solo mo ang credits, hehehehe! Huwag mo ring kakalimutan na mag lock ng pinto mo kahit sa CR lang ang punta mo, baka kasi manakaw ang mga ninanakaw mong thumbs. Kaya double lock anak ang door ha.
-Mama Putik
Post a Comment