Wednesday, December 26, 2007

Confeermed

Pasingit lang po ng balita.


Pagkatapos niyang magpahinga ng ilang buwan dahil na-ospital siya ay tuluyang nang nag-resign ang isang taong nasa mataas na posisyon sa ahensiya.


Bago pa man siya ma-operahan ay may ilang beses nang hindi sila magkasundo ni boss tungkol sa trabaho. Ayaw na niyang hintayin ang kanyang retirement sa darating na taon. Isinangtabi na lang niya ang milyun-milyon sana'y makukuha niya. Hindi daw yun makapagbabayad sa pangiinsulto sa kanya noong nagmura si boss at ang iba pang kakaibang ugali nito. Kaya niyang itong panindigan dahil talaga namang hindi niya kailangang magtrabaho. Aalagan na lang niya ang kanyang asawa't mga anak sa bahay nila sa Alabang.


Ang mga naiwan naman ay mas gugustuhin na rin sanang umalis kudi lang umaasa sa kanila ang mga pamilya, magulang o kapatid nila. Sana maintindihin natin sila bago natin husgahan at sabihang, "e di lumayas na rin kayo."

Wednesday, December 19, 2007

Barilan (Unang Kabanata)

Tila maraming mapaghusgang tao ang nagbabasa ng blog na ito kaya hahayaan ko na lang kayo maghatol kung tama o mali ito.


Noong panahon ng dating boss ay napanalo na ng ilang beses ng mga award ang produkto ng kliyenteng ito. Ito siguro ang dahilan kung kaya't naisip ni bagong boss na siya mismo ang gagawa ng kanilang bagong kampanya. Magpasikat, baga. Kaya naman pinagsikapan niya ng ilang araw at sinabi ring siya mismo ang maglalahad nito sa kliyente.


Pagdating sa client presentation ay nandun ang namumuno sa marketing (itago natin sa pangalang Ruffa) at ang brand manager. Ikinwento ni boss ang dalawang storyboard na bunga ng kanyang kakayahan.


Bang! Bang!


Binaril ni Ruffa ang dalawang konsepto. Sabi ni boss, "Well, let's go back to the sofa then" sabay tumayo at umalis dala-dala ang mga storyboard. Naiwang nakatunganga ang mga kliyente pati na rin ang taga-accounts na iniwan niya.


Mayamaya ay nakatanggap ng text ang taga-accounts. "Was I too harsh?" ang tanong ni boss.


Ano ang isasagot ninyo?

Wednesday, December 5, 2007

Strike Two

Mukhang di pa rin naintindihan ng boss ang kanyang malaking pagkakamali sa pagcc (basahin ang mga naunang post kung ngayon niyo lang nasadya ang blog na ito) dahil eto na naman siya.


May mga tinatawag na "regional brands" ang ahensiya. Sa madaling salita, ang mga patalastas para sa isang produktong binebenta sa isang rehiyon ay nililikha ng isang ahensiya lamang (kaya maaring ipagyabang na ang galing ng Pilipino sa advertising ay pang export din).


May isang meeting para sa isang regional brand kung san may kasamang regional account person na dayuhan din (itago natin sa pangalang Ruben). Hindi magkasundo si boss at itong si Ruben tungkol sa gagawing trabahao para sa brand. Kulang na lang daw ay magsuntukan ang dalawa.


Ang puno't dulo ay sinumpa ng boss na hindi na daw siya gagawa ng trabaho para sa brand na yun dahil ayaw niya kay Ruben.


Ang tanong ay, kelan ba nagkaroon ng boss na namimili kung aling trabaho ang gagawin niya at alin ang hindi? Ibigay kaya niya ang bahagi ng kanyang sweldo sa mga taong gagawa ng trabaho niya?


Baka dapat bumalik na lang siya sa pag freelance?