Wednesday, December 26, 2007

Confeermed

Pasingit lang po ng balita.


Pagkatapos niyang magpahinga ng ilang buwan dahil na-ospital siya ay tuluyang nang nag-resign ang isang taong nasa mataas na posisyon sa ahensiya.


Bago pa man siya ma-operahan ay may ilang beses nang hindi sila magkasundo ni boss tungkol sa trabaho. Ayaw na niyang hintayin ang kanyang retirement sa darating na taon. Isinangtabi na lang niya ang milyun-milyon sana'y makukuha niya. Hindi daw yun makapagbabayad sa pangiinsulto sa kanya noong nagmura si boss at ang iba pang kakaibang ugali nito. Kaya niyang itong panindigan dahil talaga namang hindi niya kailangang magtrabaho. Aalagan na lang niya ang kanyang asawa't mga anak sa bahay nila sa Alabang.


Ang mga naiwan naman ay mas gugustuhin na rin sanang umalis kudi lang umaasa sa kanila ang mga pamilya, magulang o kapatid nila. Sana maintindihin natin sila bago natin husgahan at sabihang, "e di lumayas na rin kayo."

Wednesday, December 19, 2007

Barilan (Unang Kabanata)

Tila maraming mapaghusgang tao ang nagbabasa ng blog na ito kaya hahayaan ko na lang kayo maghatol kung tama o mali ito.


Noong panahon ng dating boss ay napanalo na ng ilang beses ng mga award ang produkto ng kliyenteng ito. Ito siguro ang dahilan kung kaya't naisip ni bagong boss na siya mismo ang gagawa ng kanilang bagong kampanya. Magpasikat, baga. Kaya naman pinagsikapan niya ng ilang araw at sinabi ring siya mismo ang maglalahad nito sa kliyente.


Pagdating sa client presentation ay nandun ang namumuno sa marketing (itago natin sa pangalang Ruffa) at ang brand manager. Ikinwento ni boss ang dalawang storyboard na bunga ng kanyang kakayahan.


Bang! Bang!


Binaril ni Ruffa ang dalawang konsepto. Sabi ni boss, "Well, let's go back to the sofa then" sabay tumayo at umalis dala-dala ang mga storyboard. Naiwang nakatunganga ang mga kliyente pati na rin ang taga-accounts na iniwan niya.


Mayamaya ay nakatanggap ng text ang taga-accounts. "Was I too harsh?" ang tanong ni boss.


Ano ang isasagot ninyo?

Wednesday, December 5, 2007

Strike Two

Mukhang di pa rin naintindihan ng boss ang kanyang malaking pagkakamali sa pagcc (basahin ang mga naunang post kung ngayon niyo lang nasadya ang blog na ito) dahil eto na naman siya.


May mga tinatawag na "regional brands" ang ahensiya. Sa madaling salita, ang mga patalastas para sa isang produktong binebenta sa isang rehiyon ay nililikha ng isang ahensiya lamang (kaya maaring ipagyabang na ang galing ng Pilipino sa advertising ay pang export din).


May isang meeting para sa isang regional brand kung san may kasamang regional account person na dayuhan din (itago natin sa pangalang Ruben). Hindi magkasundo si boss at itong si Ruben tungkol sa gagawing trabahao para sa brand. Kulang na lang daw ay magsuntukan ang dalawa.


Ang puno't dulo ay sinumpa ng boss na hindi na daw siya gagawa ng trabaho para sa brand na yun dahil ayaw niya kay Ruben.


Ang tanong ay, kelan ba nagkaroon ng boss na namimili kung aling trabaho ang gagawin niya at alin ang hindi? Ibigay kaya niya ang bahagi ng kanyang sweldo sa mga taong gagawa ng trabaho niya?


Baka dapat bumalik na lang siya sa pag freelance?


Wednesday, November 28, 2007

Talkin' talk

Dahil sa pag announce ng boss na lahat ay dapat nasa opisina ng 9am, kinabukasan ay talaga namang pinagsikapan ng mga taong pumasok ng maaga. Masunurin naman talaga sila e.


Nguni't hindi sila mabahala dahil ang boss na nagbitaw ng salita na "I will tear another fucking asshole in you" kung late pumasok ang mga tao, ay pumasok ng pasado alas-9. Hindi 9:01 o 9:05 kundi 9:30. Napipikon sila dahil hindi naman sikreto sa kanila na ang tirahan ng boss ay nasa kabilang kanto lamang (sa condominium sa taas ng union church para sa mga chismoso't chismosa).


Sa totoo lang, sa ilang linggong nakalipas pagkatapos ng proclamation 1105 ay dalawang beses lang maagang nakapasok ang boss, 8:50 at 8:59.


Sa nasabing "sermon" ay sinabi ni boss na "I don't want talkers in this agency, I want walkers." Ngayon ay inis na inis ang mga tao dahil ang boss na siyang lumikha ng mga patakaran ay siya ring lumalabag. Ika nga ng isa tao, "maybe he should take a walk."

Monday, November 26, 2007

100 KPH

Ilang oras pa lang ang nakalipas ay nagsipasukan na ang mga text message at tawag galing sa iba't ibang ahensiya. Lahat nagtatanong kung totoong may "Martial Lowe" na daw.

Imbes na makilala ang ahensiya dahil sa sinasabing galing ng bagong boss, pinagtatawanan ang kanyang gawain.

Kawawa naman ang mga tao dun. Buong hapon ay tulala sila at hindi maintindihan ang pinanggalingan ng "script" (na ayon sa chismis ay ipinakita pa daw muna sa presidente). Ang daing nila'y, sa apat na buwang naroon ang bagong boss, ni isang beses ay wala raw siyang sinita o sinabihan tungkol sa mga gusto't ayaw niya sa ahensiya. Ni CD, secretary o janitor.

At kailangan ba daw magmura? Pakiramdam daw ng mga babae ay binastos sila. Parang nga.

Proclamation 1105

Nung kamakailang lunes ng hapon ay ipinatawag ng boss ang buong department para sa isang meeting (ito ay pagkatapos i-announce ng presidente noong umaga na mukhang walang bonus ang ahensya ngayong taon, kaya medyo matamlay ang pakiramdam ng lahat).


Pagpasok ng boss ay may hawak na papel. akala nila ay kung anu-anong papeles lang yun. Nguni't nagulat sila nang nagumpisang basahin ng boss ang nakasulat sa papel.


Aba, may script ang kanyang pagse-sermon (o pagbu-bula ika nga ng mga bading). Natulala ang mga tao. Hindi sila makapaniwala. Hindi nila alam kung matatawa sila o makikinig (siguro hindi nga siya katoliko dahil hindi niya alam na, sa pilipinas, pari lang ang nagbabasa ng sermon).


Nagagalit daw siya dahil nakakita daw siya ng taong naga-ahit sa banyo sa umaga. Naiirita daw siyang makakakita ng nag-gy-gym. At kung anu-ano pang mga nakakalokang hirit na siningitan niya ng mga murang may "fuck" o "fucking" (siguro akala niya ay dadagdag ito sa dramatic effect ng kanyang script)


Base sa kanyang mga obersbasyon sa mga nakaraang buwan, mayroon daw siyang mga bagong patakaran na binansagan kong proclamation 1105 (alang-alang sa yumaong presidente, na tila gusto niyang sundan)


1) bawal ang magahit sa banyo pagkatapos ng 9am

2) bawal ang magsipilyo pagkatapos ng 9am at 1:30pm

3) bawal manood ng mga tv show sa computer

4) lahat ng mga tao ay dapat nasa opisina ng 9am, ang mala-late ay kakaltasan ng half-day leave


Kung hindi ito masunod, iqu-quote ko ang sinabi niya,


"I will tear another fucking asshole in you"


Higit kumulang ng 7 ang mga kanyang binitiwang mga mura. nguni't sa huli ay lumabas din ang pakay ng kanyang "sermon" ng sinabi niyang


"I have a two year contract with the agency ... part of the evaluation of my performance includes winning awards"


Sa madaling salita, kayo ang magta-trabaho para sa akin para sumikat ako.



Sunday, November 18, 2007

Crossing, Ibabaw

Bukod sa mataas na sweldo at tirahan, kasama sa package ng boss ang isang sasakyan. Toyota Fortuner ang kanyang pinili.


Isang araw ay nag-joyride daw ang boss at si Liz (may nag-email sa amin na yun daw ang pangalan ng babae). Habang nagmamaneho sa edsa ay na-trapik sila at tila umiinit ang ulo ni boss. Sabi ng babae na wala namang trapik sa kanang lane kaya dun na lang sila dumaan. Sabi ni boss na mukhang bawal ata dun. Sagot naman si liz na hindi daw dahil parati naman daw siyang dumadaan dun. E di sumunod ang boss at kinabig ang manibela.


Ilang metro pa lang silang naka-abante ng biglang. PRRRRT!


Huli!


Ano kaya ang parating sinasakyan ni liz na hindi siya nahuhuli pag dumadaan dun?


Pasakalye

Maiba naman ang usapan.


Hindi lang pala award ang gustong hakutin ng bagong boss. May ila-ilang nakakita sa kanyang naglalakad sa mga kalye ng Makati na may kasabay na babae.


Hindi lang matiyak sa ngayon kung sino ang naka jackpot.

Dahil nababalita rin na may anak na ang babaeng ito

Friday, November 16, 2007

Malaking pag-cc

Isang araw, nakatanggap ng contact report and boss tungkol sa isang client meeting. Nabasa niya na hindi napa-approve ang ipinakitang storyboard. Dahil kanyang konsepto yun, nagalit ang boss at nag-reply kaagad sa email na kailangang mai-present uli ng accounts sa kliyente dahil mali ang kliyente.

Sana lang hindi siya nag-click ng "reply to all" dahil kasama ang kliyente sa naka-cc.

Sunday, November 11, 2007

Pop quiz

Fill in the blanks.













freelancer ba ang sagot?


Sino ang mala-lanse?

Meron na

Nang i-announce ang bagong boss, ginoogle ng mga empleyado ang pangalan niya.

Nagulat sila sa dami ng "hits." E hindi pala siya yun. Yung isa pintor, tapos may sportswriter, machine operator, publisher, real estate agent, curator, pati detective may kapangalan. Siguro dapat imbestigahan pa.