Pasensiya na't medyo hindi kami nakapag-update noong Disyembre. Kakabalik lang kasi namin galing sa ******* (kala niyo sasabihin namin no?).
Hindi po kami bumili ng isang kilong foundation para itago ang mga pekas sa mukha. Marami lang talagang trabaho pag hindi nawawalan ng kliyente. Sa totoo lang, kaya kami nawala ay dahil may ginawa kaming regional na patalastas. Panoorin niyo na lang, kakapalabas lang nung linggo. (Ganda ni ****** no?)
Hayaan niyo't babawi kami. Heto itutuloy muna namin ang kwento.
Noong a-13 ng Nobiyembre ay nagtawag ng kapulungan ang presidente. Dito ay ipinahayag niyang may mga kliyenteng lulurong sa ahensiya. Ang mawawalang negosyo daw sa ahensiya ay nasa P100M kaya kailangan daw mag-"right size" (nagpapauso lang po siya ng 'buzzword') ang ahensiya. Last-in-first-out daw ang magiging patakaran sa pagpipili ng mga masisisante.
Noong a-14 ay isa-isang kinausap ng HR ang isang creative director at tatlong art director. Sinabihan sila na iyon na raw ang kanilang huling araw at kailangan nilang mag-impake ng kani-kanilang gamit at ibalik sa opisina ang mga nararapat tulad ng mga ID atbp.
Noong hapon ay kinausap ni boss ang mga nasisante at sinabing wala raw siyang magawa dahil desisyon yun ng presidente at wala raw siyang kinalaman dun.
Nang kumalat na sa mga tao kung sino sino ang nasisante ay nagtaka sila. Sabi kasi ng presidente na "last in first out" pero kung pagmamasdan ang pagkakasunodsunod ng pagpasok ng mga art director ay may nilaktawan na isang art director (itago natin sa pangalang Aida , isa sa mga inuutusan ni boss na gumawa ng mga scam ad niya). Mas lalong sumama ang loob ng mga tao sa malinaw na pagsisinungaling ni boss.
Nagusap-usap ang iba sa mga tao at napagkasunduang maginuman pagkatapos ng trabaho para panandalian man lang ay malimutan ang kalungkutan. Habang nagiinuman ay nagulat sila ng makita nilang parating ang magkatambalang alaga ni boss. (Itago natin sa pangalang Cory at Mike. Kung mahulaan niyo kung bakit mag-comment kayo, baka may premyo). Hindi nila alam kung bakit dumating ang tambalan dahil hindi naman ito imbitado.
Gayon pa man ay inalok pa rin sila ng serbesa. Makalipas ang ilang sandali ay may mas malaking sorpresang naghihintay. Nakita nila si Cory na may kinakawayang taong pinapalapit. Bumagsak ang mga baba nila nang makita nila kung sino.
Si boss.
Nang inanyayahan ni Cory na sumama sa inuman, iba iba ang mga reaksyon ng mga tao. Ang isa ay sumakay sa kanyang motorsiklo at humarurot paalis. Ang nakararami ay lumipat sa katabing inuman. Walang kumakausap kay boss kundi ang tambalan. Tila napansin ni Cory ito at linapitan niya ang iba't ibang tao at humiling na kausapin naman nila si boss. Nguni't walang may gusto.
Hindi namin alam kung nahuli ni boss ang dinaramdam ng mga tao pero hindi tumagal ay umalis siya. At mayamaya ay sumunod na rin ang tambalan.
Siguro talagang hindi maisasalin sa ingles ang delikadesa.
Thursday, January 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
E buong blog na to walang delicadeza!
2009 na...Mag move on na...kaya tayo minamalas pare-pareho eh dahil sa utak talangkang pasimuno ng blog na ito!
Totoo ba na nag-hire ulit sa Lowe ng mga designers? atbp?
bato-bato sa langit mga tinatamaan huwag magagalit, kalayaan sa paghahayag ito pare. hmmm... mukhang may mga tinamaan nga. sakit ba dude?
posible kasing di alam ng duo na maraming asar sa boss nila. kasi maganda naman ang trato sa kanila, pero sa iba hmmm... basahin nyo na lang ang buong blog na ito.
HUHUHUHU...
MARCH 15!
WAAAAAHHHHH!!!
kahit siguro wala na sa opis yun mga pasimuno nito o kaya pagkatapos ng March15, nandito pa rin ang blog. ox na ox ito pare!
si joey campillo nasa mccann na ... a stone's throw away from lowe. and since may mga ka-kapihan pa si joey campillo ... may source of chika pa rin. anyway, will see where this goes.
oh ... and by the way, JWT also retrenched (not just once ... but twice pa ata or palapit na ang twice) .. este, right sized. its just a matter of time when other agencies will follow.
wala na si putik...paano na si mario?
Magkaka blog kaya si JC tungkol sa McCann ngayon?
Talagang naghahanap ng sakit ng katawan ang tinaguriang Boss na yan para sumama pa sa inuman hehe Dapat pinukpok na ng bote sa ulo bago nagalisan haha!
Si Steve Clay ang gumawa ng blog na ito. Para pasikatin niya ang sarili.
SI LOLO AY PARANG SUMPA. KAHIT MAWALA ANG EPEKTO PANG MATAGALAN. KAYA TULOY ANG BLOGGING.
Post a Comment