Taon taon ay inaabangan ng mga tao ang tinatawag na Ad of the Year Awards. Ang bumubuo sa hurado nito ay mga ECD ng iba't ibang ahensiya. Sila ang inatasang hatulan ang mga entry dahil bilang ECD sila'y dapat may kakayahan, kagalingan, karansan at kahustuhan ng isip na maging makatarungan sa kanilang paghahatol.
Eto ang nangyari sa nakaraang hatulan.
Magkasama ang lahat ng mga huwes para talakayin o, kung kinakailangan, pagtalunan ang mga entry ng mga ahensiya. Ang pinaguusapan noon ay ang mga entry para sa telebisyon kung saan isinali ang isang kampanya para sa isang pagdiriwang ng mga pelikula. Pinagtatalunan nila kung ito ay dapat maging finalist lamang, o manalo ng tanso, pilak o ginto.
(Kung hindi ninyo naaalala ang seryeng ito.
Ang unang kwento ay tungkol sa isang batang nadapa habang tumatakbo sa tulay. Muntikan na siyang mahulog sa ilog kaya bigay todo ang pagiyak niya. Lumapit ang kanyang nakatatandang kapatid at sinabihang, "subtle lang, subtle". Ito ay pinamagatang "Directors".
Ang ikalawa ay tungkol sa batang nagbabasa ng kwento sa kanyang kapatid habang nakahiga sa kama. Ito ay pinamagatang "Scriptwriters".
Sa pangatlo naman ay may isang litratistang dayuhan na naglalakad sa tambakan ng basura. Ang isa sa kanila ay may nadatnang batang gusgusin at pumuwesto upang kunan ng letrato, pero pinigilan siya ng bata. Naghalungkat muna ang bata ng basura sa tabi niya hanggang nakahanap siya ng styropor na lalagyan ng fastfood. Pinagpag niya ang styro at pagkatapos ay binuksan ito at inayos ang angulo para mailawan ang kanyang mukha. Tsaka laman siya ngumiti para magpakuha ng letrato. Ito ay pinamagatang "Cinematographers".)
Halos lahat ng mga huwes ay sangayon na maganda naman ang serye at karapatdapat manalo. Ang nag-iisang sumalungat ay si boss.
Tutol daw siya sa ikatlong kwento. Walang kahiya-hiya niyang tinanong sa lahat ng mag kasama niya, "If it's about cinematographers, why is the child not holding the camera?"
Nagtaka ang mga kapwa niyang ECD kung talaga bang may alam si boss tungkol sa trabaho niya. Halatang halata sa tanong niya na wala siyang kamuwang-muwang kung ano ang cinematographer at kung ano ang trabaho nito. Mabuti na lang ay nagmagandang loob na lamang ang isang huwes sa tabi niya at pabulong na ipinaliwanag kay boss kung ano talaga ang gawain ng cinematographer. Tumango na lang si boss habang ang ibang mga huwes na nasa likuran ay pinipigilan ang pagtatawa at pagngingisi nila. Ang tanong nila sa isa't isa ay kung paano si boss naging ECD.
Laking gulat na lang namin nang malaman na si boss ay imbitadong magsalita sa isang panayam kung saan ang paksa na paguusapan niya ay "What's new on TV"
Wednesday, October 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Umattend ako ng talk ng bossing niyo about "What's new on TV?" and maganda naman yung talk niya. May natutunan kami actually.
mabuti naman may natutunan ka. sa opisina namin kasi ang pagpapakita ng mga cannes reel ay dati pa naming gawain, at libre pa ang popcorn at beer.
siguro kung ang pinagusapan ay kung paano mas pagandahin ang production values, kunwari sa sound design o kaya sa lighting, baka may natutunan din ako. naisip kasi namin na dahil dayuhan siya ay mas may experience siya sa mga foreign production companies at yun ang isha-share niya, hindi lang reel na meron rin kami sa opisina at napanood na namin.
pero sabagay, kung hindi nga niya alam ang cinematographer, baka kulang (o wala) ang kanyang experience sa mga tv commercial kaya nagpakita na lang ng cannes reel.
at siguro, kung head of art ako na puro scam na print and poster lang ang ginagawa, talagang may matututunan nga ako tungkol sa tv. actually.
Kapansin-pansin na talagang mas kaunti ang nagpunta dun kumpara sa iba. May ibig sabihin ba yun?
wala ba update? hehe
Advertising circus ito...
Kaya di ko masisi ang mga fine artists kung bakit ang baba ng tingin nila sa advertising, at tingin nila ay walang kenta, yung kinukuhang magsasalita sa what's new on tv ay di alam ang cinematographer. Mas okay pa yata ang music video business hehe
Post a Comment