Monday, October 13, 2008

English 101

Maraming kwentong umaabot sa amin tungkol sa pagpapakita ng mga konsepto sa boss o ang tinatawag na pag-clear.

Isang araw daw ay pagkatapos mag-clear ng mga tao ay sinabi ni boss na, "you do the tagalog ideas and I'll do the english ones because I'm better at it." Walang imik na lumabas ang mga tao sa kuwarto ni boss dahil nainsulto sila sa baba ng pagtingin sa kanilang kakayahan sa wikang ingles.

Nguni't ang kanilang sama ng loob ay panandalian lamang at agad-agad naging katuwa-tuwa dahil sa pagpapakitang gilas ni boss sa kanyang kahusayan at pagkakaalam ng wikang ingles.

Sa isang pag-clear ay sinabihan niya ang isang manunulat na palitan ang naisulat kasi "the word flavorful does not exist in the english language."

Tingnan niyo na lang ang mga diksiyonaryo ninyo kung totoo ang sabi ni boss.

2 comments:

Jason Lowen said...

I am not certain if you care, but do to contract law of the Philippines, David Nugent, whom was confirmed as Vice President of New Business Development Services at Ace Saatchi & Saatchi is still being paid until November 7, 2008, because that was in his contract for one year. He will then get severance of at least 30 days as prescribed by law. Nugent is still being paid as a Vice President and you may check that with Matt Seddon as Nugent contacted me to brag about it. Regards, JL

Anonymous said...

baka nmn naka-set sa UK english ang dictionary ng MS-Word ng amo nyo. Talagang walang flavorful sa UK english dahil ang spelling dapt is flavourful.

Gayunpaman, dapat pa rin batukan ang ulol na yun dahil dito sa 'pinas, US english ang standard na sinusunod natin at hindi UK english na gaya sa Singpore.