Wednesday, June 4, 2008

Sabi na nga ba

Isang araw, magkasama si boss at isang taga-accounts. Dahil nabalitaan ng taga-accounts ang mga damdamin ng mga tauhan ni boss sa opisina, nag-magandang loob siya at kinausap si boss.

Ani niya, "Maybe you can spend more time with the creatives, you know, talk to them, bond with them. It might lead to a healthier, better working environment".

Ang sagot ni boss ay "No! They should adjust to me".

Walang masabi ang taga-accounts at nanahimik na lamang.




Monday, June 2, 2008

5-6

Hindi po tungkol sa mga bumbay ang kwentong ito. Sa totoo lang, ito ay tungkol sa pag-announce ng award na napanalunan ng ahensiya.

May email na ipinadala ang boss kung saan ay ipinasasalamatan niya ang mga tumulong sa paggawa ng ad na nanalo ng tanso sa isang award show kamakailan lang.

Ang pamagat ng email ay "The Fab Five". Maganda sana ang intensiyon ni Boss at ginawan pa ng konsepto ang kanyang sulat. Ang problema lang ay anim ang pangalang nakalista dun. At puro mga taga-accounts at print production lamang. Maganda man ang balita ng pagkapanalo kailangan namin itanong, bakit hindi kasama sa sinabing email ang mga pangalan ng mga taga-creative?

Nang maimbestiga, nalaman namin na ang mga creative ay yoong mga nakalista sa entry na pinamamagatang Bagong Kawani. Sa madaling salita, hindi sila mga empleyado ng ahensiya.

Kaya naman pala sa text blast ng isang magasin ang nakasulat sa text ay "Congratulations to (boss) and his team" hindi binanggit ang ahensiya.

Dapat siguro ulitin ang tanong namin sa Bagong Kawani. "Ang ahensiya ba talaga ang makikinabang?"