Monday, March 3, 2008

Bagong Kawani

Laking gulat ng mga tao sa ahensiya ng malaman nila na mayroong mga bagong empleyadong hindi pa nila nakikilala.

Nadatnan kasi nila sa isang pahayagan na may ad na gawa daw ng ahensiya nila. Nguni't bukod sa pangalan ni boss ay nasa listahan ng credits ang mga pangalang Dylan See, John Foster, Somjai Satjatham at Edward Loh. Wala silang kakilalang ganun sa opisina. Tiningnan pa nga nila sa direktoryo ng ahensiya nguni't hindi talaga nila mahanap ang ni isang pangalan.

Sa pagtatanong ay nalaman din nila ang katotohanan. Ang mga ad na yun ay baon pala ni boss mula sa dati niyang ahensiya sa ibang bansa. Hindi namin matiyak kung yun ay hindi pumasa sa kanyang dating boss o kaya't hindi nahanapan ng kliyenteng makumbinseng gumawa ng scam. Ang puno't dulo ay hindi yun gawa ng mga tao sa ahensiya dito pero ipinadala pa rin ni boss sa kung anu-anong awards show sa pangalan ng ahensiya.

Kung manalo man ito, ang ahensiya ba talaga ang makikinabang?



10 comments:

Anonymous said...

goodluck. sana manalo. ayaw nyo nun?

Anonymous said...

yung sumusulat nito either: finance/admin na hindi naiintindihan ang industriya, junior/napag-iwanan ng panahon na accounts, producer na hindi kilala, o creatives na wala masyadong awards. halata sa posts (at sa dami ng posts) na nasa gilid-gilid lang siya ng industriya. sana umalis ka na lang sa ahensya mo, kasi sa kakakalat mo ng kapangitan sa mundo, kakarmahin ka. sigurado yun.

Anonymous said...

Hayaan niyo ang ang anak ko, akala siguro niya may patutunguhan ang pang loloko niya sa mga natives. Akala talaga niya magaling siya. Kaya siya kinuha kasi pinalaki ko siyang mangloloko. Kaya hayaan niyong mag shine ang anak ko. - Mrs. Putik

Anonymous said...

naku naku naku, hindi namin alam kung ano napapala mo sa pag gawa gawa ng storya, sana yang kagalingang iyan ay gamitin mo sa tama, gamitin mo sa trabaho mo creative ka naman sana sa tama mo inilalagay, nakakapanghinayang ka.
halatang pinipersonal mo na ang boss mo,ganyan ka naba kainsecure sa kanya? aminin na natin, magaling siya at napakasipag, nagtatrabaho ng mahigit dose oras ka da araw, masuwerte ang ahensya natin sa kanya...malas sayo.

Anonymous said...

The one writing this exemplifies the worst in Filipino traits. Could he be related to DJ Montano?

Lowe would be better off without people like this.

This is getting so old. Now back to Brian.

Anonymous said...

Speaking of Brian:

http://www.youtube.com/watch?v=LMXeVhxHNFQ

Anonymous said...

congratulations on your win sa Pattaya! guess he knows what he is talking about.

Can you say that this blog may be subject to libel as now mentioned by ABS-CBN regarding the Brian Gorrell case?

Have you seen this interesting bit in his blog?

http://youtube.com/watch?v=LMXeVhxHNFQ

Anonymous said...

"nakakapanghinayang ka.
halatang pinipersonal mo na ang boss mo,ganyan ka naba kainsecure sa kanya? aminin na natin, magaling siya at napakasipag, nagtatrabaho ng mahigit dose oras ka da araw, masuwerte ang ahensya natin sa kanya...malas sayo."

ummm... for a fact ba na taga-lowe ang author ng blog na ito? parang tukoy na tukoy na. sino nga ba?

Anonymous said...

Congrats to Clayo for proving that Karma exists as Lowe is one of two Phil Agencies to be shortlisted for One Show 2008

Anonymous said...

Check out this bigger scandal!!!!

http://www.youtube.com/watch?v=SMCgN5SNxOs