Wednesday, January 23, 2008
Sari-sari stories
Ayon sa mga ibang judge, noong nagsamasama sila para sa judging, ay talagang inikot ni boss ang bawa't judge at nagpakilala. Okay naman sana yun. Kaya lang sinundan pa niya ng buong kasaysayan ng kanyang advertising career. Ang pakiramdam nila ay parang ipinagpipilitan niyang patunayan ang kanyang pagkasapi. Sabi nga ng isang judge, "kailangan pa ba yun?"
Napansin rin nila noong awards night na paumpisa pa lang basahin ang pamagat ng kanyang lahok ay naroon na siya sa entablado, tangan ang tansong napanalunan. Ni hindi niya hinintay ang kanyang head of art na kasabwat sa paglikha ng scam ad na iyon para sabay man lang sana silang umakyat. "Napakaatat naman" sabi nung isa "parang first timer."
Wednesday, January 2, 2008
Barilan (Huling Kabanta, sana)
Sa mga gustong malaman kung sino ang kliyenteng pinaguusapan sa unang kabanata, ang clue ay "let's go back to the sofa then")
Para sa mga may duda pa tungkol sa pinanggagalingan ng inis ng mga tao sa boss, eto na po ang susunod na kabanata.
Ang sagot ng taga accounts sa text ay isang galit na "YES!" nguni't dahil naiwan nga siya sa opisina ng kliyente ay nagtimpi siya at humingi ng paumanhin sa ginawa ni boss. Damage control baga.
Sa galit ng taga-accounts ay binalak niyang isumbong ang nangyari sa presidente ng ahensiya. Pagkatapos ng meeting ay tinawagan niya ito, pero bago pa man maikwento ang mga pangyayari ay sinabi ng presidente na alam na niya ang kwento. Napalagay ng kaunti ang taga-accounts dahil akala niya na umamin ng kasalanan ang boss.
Sa mga sumunod na araw ay kumalat na ang balita sa ahensiya kaya't mas nadismaya ang mga tao sa naipakitang masamang ugali ni boss (tila wala siyang natutunan tungkol sa kultura ng mga asyano sa kanyang sandosenang taong naninirahan sa asia).
Pero wala pa tayo sa katapusan ng kwento. Lumala pa nga.
Habang pinaguusapan ng mga tao sa ahensiya ay nagulat sila nang malaman na may version 2 ang kwento. Kaloka! ika nga ng mga bading. Iba raw ang isinalaysay na kwento ni boss sa presidente. Kaya naman mas lalong nainis ang mga tao at nawalan ng respeto sa boss. Imbes na maging lalake at aminin ang kanyang pagkakamali ay nagawa pang ibahin ang kwento.
Ewan lang namin kung umabot sa presidente ang totoong kwento para sana'y mapagsabihan si boss.