Taon taon ay inaabangan ng mga tao ang tinatawag na Ad of the Year Awards. Ang bumubuo sa hurado nito ay mga ECD ng iba't ibang ahensiya. Sila ang inatasang hatulan ang mga entry dahil bilang ECD sila'y dapat may kakayahan, kagalingan, karansan at kahustuhan ng isip na maging makatarungan sa kanilang paghahatol.
Eto ang nangyari sa nakaraang hatulan.
Magkasama ang lahat ng mga huwes para talakayin o, kung kinakailangan, pagtalunan ang mga entry ng mga ahensiya. Ang pinaguusapan noon ay ang mga entry para sa telebisyon kung saan isinali ang isang kampanya para sa isang pagdiriwang ng mga pelikula. Pinagtatalunan nila kung ito ay dapat maging finalist lamang, o manalo ng tanso, pilak o ginto.
(Kung hindi ninyo naaalala ang seryeng ito.
Ang unang kwento ay tungkol sa isang batang nadapa habang tumatakbo sa tulay. Muntikan na siyang mahulog sa ilog kaya bigay todo ang pagiyak niya. Lumapit ang kanyang nakatatandang kapatid at sinabihang, "subtle lang, subtle". Ito ay pinamagatang "Directors".
Ang ikalawa ay tungkol sa batang nagbabasa ng kwento sa kanyang kapatid habang nakahiga sa kama. Ito ay pinamagatang "Scriptwriters".
Sa pangatlo naman ay may isang litratistang dayuhan na naglalakad sa tambakan ng basura. Ang isa sa kanila ay may nadatnang batang gusgusin at pumuwesto upang kunan ng letrato, pero pinigilan siya ng bata. Naghalungkat muna ang bata ng basura sa tabi niya hanggang nakahanap siya ng styropor na lalagyan ng fastfood. Pinagpag niya ang styro at pagkatapos ay binuksan ito at inayos ang angulo para mailawan ang kanyang mukha. Tsaka laman siya ngumiti para magpakuha ng letrato. Ito ay pinamagatang "Cinematographers".)
Halos lahat ng mga huwes ay sangayon na maganda naman ang serye at karapatdapat manalo. Ang nag-iisang sumalungat ay si boss.
Tutol daw siya sa ikatlong kwento. Walang kahiya-hiya niyang tinanong sa lahat ng mag kasama niya, "If it's about cinematographers, why is the child not holding the camera?"
Nagtaka ang mga kapwa niyang ECD kung talaga bang may alam si boss tungkol sa trabaho niya. Halatang halata sa tanong niya na wala siyang kamuwang-muwang kung ano ang cinematographer at kung ano ang trabaho nito. Mabuti na lang ay nagmagandang loob na lamang ang isang huwes sa tabi niya at pabulong na ipinaliwanag kay boss kung ano talaga ang gawain ng cinematographer. Tumango na lang si boss habang ang ibang mga huwes na nasa likuran ay pinipigilan ang pagtatawa at pagngingisi nila. Ang tanong nila sa isa't isa ay kung paano si boss naging ECD.
Laking gulat na lang namin nang malaman na si boss ay imbitadong magsalita sa isang panayam kung saan ang paksa na paguusapan niya ay "What's new on TV"
Wednesday, October 15, 2008
Monday, October 13, 2008
English 101
Maraming kwentong umaabot sa amin tungkol sa pagpapakita ng mga konsepto sa boss o ang tinatawag na pag-clear.
Isang araw daw ay pagkatapos mag-clear ng mga tao ay sinabi ni boss na, "you do the tagalog ideas and I'll do the english ones because I'm better at it." Walang imik na lumabas ang mga tao sa kuwarto ni boss dahil nainsulto sila sa baba ng pagtingin sa kanilang kakayahan sa wikang ingles.
Nguni't ang kanilang sama ng loob ay panandalian lamang at agad-agad naging katuwa-tuwa dahil sa pagpapakitang gilas ni boss sa kanyang kahusayan at pagkakaalam ng wikang ingles.
Sa isang pag-clear ay sinabihan niya ang isang manunulat na palitan ang naisulat kasi "the word flavorful does not exist in the english language."
Tingnan niyo na lang ang mga diksiyonaryo ninyo kung totoo ang sabi ni boss.
Isang araw daw ay pagkatapos mag-clear ng mga tao ay sinabi ni boss na, "you do the tagalog ideas and I'll do the english ones because I'm better at it." Walang imik na lumabas ang mga tao sa kuwarto ni boss dahil nainsulto sila sa baba ng pagtingin sa kanilang kakayahan sa wikang ingles.
Nguni't ang kanilang sama ng loob ay panandalian lamang at agad-agad naging katuwa-tuwa dahil sa pagpapakitang gilas ni boss sa kanyang kahusayan at pagkakaalam ng wikang ingles.
Sa isang pag-clear ay sinabihan niya ang isang manunulat na palitan ang naisulat kasi "the word flavorful does not exist in the english language."
Tingnan niyo na lang ang mga diksiyonaryo ninyo kung totoo ang sabi ni boss.
Tuesday, October 7, 2008
Spotted
Kung naaalala ninyo, may isang nakaraang kwento (Laban at Bawi) kung san nagpalit ng isip si boss tungkol sa oras ng pagpasok ng mga tao. Ang dating oras na pagpasok na alas-9:00 ay ginawa niyang alas-9:30 na lang.
Akala namin ay gusto niyang gumaang ang loob ng mga tao sa kanya. Nguni't nagkamali pala kami. Alam na namin ngayon kung bakit niya ginawa iyon. May mga nakakita kasi sa kanya sa isang gusali sa may kanto ng Buendia at Ayala. Nageensayo siya sa isang gym dun tuwing alas 8:00.
Ang sabi ng mga tao ay "diba dati umaangal siya na puro gym lang daw ang inaatupag ng mga tao (Proclamation 1105)? E nasan na siya ngayon?"
Sa hilig ni boss na parating magsalita ng patapos ay mukhang madalas ay bumabalik sa kanya at kinakagat siya sa...
xoxo
Subscribe to:
Posts (Atom)