Thursday, July 31, 2008

Kodak moment



Eto po ang ipinadalang litrato sa amin kung saan ipinahayag ang pagkapanalo ng tanso ni boss sa isang tanghalan. Pansinin po ang mga nakalista sa credits.

Unahin natin ang kliyente. Ito po ay isang maliit na palabahan na makikita ninyo sa kalyeng Valero sa Makati. Kayo na lang po ang humusga kung kaya nilang gumastos para sa mga "postcard" na ito. (Kung hindi niyo pa nakikita, tanungin niyo na lang ang mga ECD at CD ninyo dahil sinigurado ni boss na lahat sila ay makakatanggap nito)

Tungkol naman sa mga taong nakalista, tatlo dun ay hindi mga empleyado ng ahensiya. (Kasama sila sa mga pangalang nailista namin sa Bagong Kawani noong nakaraan). Kaya naman talagang nagpipilit bumalik parati ang tanong "sino ba talaga ang makikinabang?"

Wednesday, July 23, 2008

Labat At Bawi (ang susunod na kabanata)

Tulad ng nasabi sa nakaraang kwento, pinagsisikapan ng boss ibahin ang pagtingin sa kanya ng mga tao. (Paikot-ikot pa nga sa opisina't kunwaring tumitingin sa mga ginagawa ng mga tao, pero wala namang kinakausap) Hindi pa rin niya naiintindihan na ang gusto lamang nila ay siya'y maging tunay na halimbawa ng kanyang mga palatuntunin. Ang naaalala nila'y si boss mismo ang nagbitiw ng mga salitang "I don't want talkers in this agency, I want walkers."

Kaya noong ipinalabas niya ang email kung saan nakalista ang mga taong atrasadong pumasok, ang binigyan nila ng pansin ay ang hindi pagkasulat ng oras ng pagpasak ni boss. (Na alam nila ay mas huli pa rin sa kanyang bagong tinakdaang oras).

Sino ba talaga ang "talker" at sino ang "walker"?

Monday, July 21, 2008

Laban At Bawi

Palabang ipinahayag ni boss na dapat pumasok ang mga tao ng alas-9 (taliwas man ito sa employee handbook), kaya pinagsikapan ng mga taong pumasok ng maaga dahil lahat naman sila ay masusunuring mga tao. Sa totoo lang, nabawasan rin naman ang mga taong atrasadong pumasok. Nguni't naghihimutok sila dahil madalas ay nauunahan nila si boss sa pagpasok, bakit ba daw ang nagdidikta ay siya mismong nagbibigo?

Noong nakaraang buwan ay nagtawag ng meeting ang boss kung saan ibinago niya ang patakaran. Alas-9:30 na lang daw ang pasukan ng mga tao (na taliwas pa rin sa employee handbook). Sa madaling salita ay binabawi niya ang batas na siya mismo ang nagdikta. Akala niya siguro ay maiiba ang tingin ng mga tao at siya'y magiging magiliw sa kanilang mga mata.

Sana.